Logo

    expository preaching

    Explore " expository preaching" with insightful episodes like "783 Fellowship with Yahweh and Yeshua (1 John 1:1-4)", "Hannah's Song of Thanksgiving - 1 Samuel Chapter 2 Overview (1 Samuel 2:1-36)", "Prayer Was Born - 1 Samuel Chapter 1 Overview (1 Samuel 1:1-28)", "Justified by God through Faith (Galatians 2:15-16)" and "Dr. Bryan Chapell: Redeeming the Expository Sermon (in Youth Ministry)" from podcasts like ""MNC Fellowship", "Kootenai Church: Adult Sunday School - 1 Samuel", "Kootenai Church: Adult Sunday School - 1 Samuel", "Kootenai Church: Galatians" and "Rooted Youth Ministry"" and more!

    Episodes (100)

    Dr. Bryan Chapell: Redeeming the Expository Sermon (in Youth Ministry)

    Dr. Bryan Chapell: Redeeming the Expository Sermon (in Youth Ministry)
    Dr. Bryan Chapell joins host Davis Lacey to talk about preaching and teaching the Bible to students in a gospel-centered way. Sharing insights from his book, "Christ-Centered Preaching: Redeeming the Expository Sermon," Dr. Chapell shares ways to engage listeners' short attention spans while preaching Christ from all parts of Scripture. He also gives encouragement to youth ministry practitioners who may feel pressure to teach moralism, or to simply host "pizza parties with a purpose." We hope you'll benefit from this episode of The Rooted Youth Ministry Podcast.Listen to more episodes of the Rooted Youth Ministry Podcast. Rooted Youth Ministry Archives - Rooted Ministry Follow @therootedministry on Instagram!

    Mga Usapin sa Buhay may Asawa - Kawikaan 1:7, 5:18-20, 12:8, 31:23, 12:4, 21:19, 19:14

    Mga Usapin sa Buhay may Asawa - Kawikaan 1:7, 5:18-20, 12:8, 31:23, 12:4, 21:19, 19:14
    Ang bawat lalaki at babae ay dapat lumalago sa karunungan. Ang kabaligtaran ng karunungan ay kahangalan at kamangmangan. Sino ang magnanais na siya ay maging hangal at mangmang? Nakakagulat, dahil ang iba ay ginagawa ito. Ang iba ay nagsasabi na sila ay matalino ngunit sa katotohanan, namumuhay silang tulad ng mga hangal. Mahalaga sa buhay may-asawa ang paglago sa karunungan. Sino ang magnanais na mamuhay sa kahangalan at kamangmangan ang mag-asawa? Nakakagulat, marami ang nagsimula sa pag-aasawa na puno ng kahangalan at walang kaalaman. Ngunit ang magandang balita ay maaari nating ituon ang sarili sa Banal na Kasulatan na hitik at puno ng Karunungan ng Diyos.

    Panunumpa ng Diyos at Layunin Nito - Sulat sa Mga Hebreo Part 13

    Panunumpa ng Diyos at Layunin Nito - Sulat sa Mga Hebreo Part 13
    Mga Hebreo 6:13-20 • 8AM • Eddie Labios Jr. | Ang may-akda ng Hebreo ay nagpabatid sa mga sinulatan na huwag maging tamad, sa halip ay sundan nila ang halimbawa ng mga taong nagkakamit ng mga pangako sa pamamagitan ng pananalig at pagtitiis. Sa paksa, ibinaling ng may-akda ang atensiyon ng mga bumabasa sa panunumpa at pangako ng Diyos. Upang mapagtibay ang sumpaan, ang mga tao ay nanunumpa sa ngalan ng isang nakahihigit sa kanila. Sa dahilan na wala nang hihigit pa sa Diyos, Siya ay nanumpa sa Kanyang sarili. Tinuruan ng may-akda ang mga mananampalataya na mararanasan nila ang parehong katayuan ni Abraham, na masunurin at matiyagang naniwala. Gayunman, ang pagkakaiba ay dapat manalig sa katuparan ng pangako ang mga mananampalataya na walang iba kundi si Cristo. Ang may-akda ay bumalik sa paksa tungkol sa pagiging Saserdote ni Cristo ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.

    Kasipagan, Pag-ibig at Paglilingkod - Sulat sa Mga Hebreo Part 12

    Kasipagan, Pag-ibig at Paglilingkod - Sulat sa Mga Hebreo Part 12
    Mga Hebreo 6:9-12 • 8AM • Eddie Labios Jr. | Ang may-akda ng Hebreo ay nagbigay ng masidhing babala sa sinumang tumatalikod at napapalayo kay Cristo. Imposibleng mapanumbalik ang mga tumalikod sa kanilang pananalig dahil ito ay malinaw na pagrerebelde kay Cristo. Malubhang kalagayan ang kahihinatnan nito. Sa sinumang hayagang lumalabag sa Ebanghelio ay hindi tunay na kapanalig. Sila ay tila mukhang mananampalataya sa panlabas na anyo, ngunit sila ay mga huwad. Pagkaraan ng mahigpit na babala, ang may-akda ay nagbago ng kanyang tinig sa positibong pahayag. Siya ay naniniwala na ang sinumang nananatili sa komunidad ay kakaiba mula sa mga tumatalikod. Ang mga nananatili ay magdaranas ng diskriminasyon sa lipunan at pang-ekonomiya, maging sa pisikal na persekusyon sa halip na itakwil si Cristo. Kahit ang tono ng may-akda ay dati nang nagbibigay babala, tinitiyak niyang na nasa mas mabuting kalagayan patungkol sa kaligtasan ang mga sinulatan (6:9). Kaya’t ang mga kasunod na kataga ng may-akda ay nagsilbing paala-ala sa mga gagawin ng tunay na mga mananampalataya.

    Masidhing Babala - Sulat sa Mga Hebreo Part 11

    Masidhing Babala - Sulat sa Mga Hebreo Part 11
    Mga Hebreo 6:4-8 • 8AM • Eddie Labios Jr. | Ang may-akda ng Hebrew ay nagturo na sumulong at magpatuloy sa paglago ang mga sinulatan mula sa mga pangunahing katuruan hanggan sa mga pagkaing espiritwal na marapat sa mga maglalago na. Ang lahat ng sumasampalataya ay dapat lumago at tumigil sa mga aral na pang-sanggol sa pananampalataya o sa mga aral na nagdadala upang mapalayo. Mula sa simula ng sulat na ito, ang may akda ay nagpaliwanag ng kadakilaan ni Cristo kaysa Judaismo. Sa maraming bahagi ng sulat, siya ay nangaral ng mahigpit at binalaan ang mga sinulatan na huwag silang lumayo o iwan ang kanilang pananalig kay Cristo. Ginawa niyang halimbawa ang mga napalayo, na sila’y imposible nang mapanumbalik sa pagsisisi dahil inilalantad nila sa khihiyan ang Tagapagligtas. Siya ay nagbabala sa sinumang napapalayo na dadanasin nila ang sumpa at sila’y masusunog.

    Pagsulong at Paglago kay Cristo - Sulat Sa Mga Hebreo Part 10

    Pagsulong at Paglago kay Cristo - Sulat Sa Mga Hebreo Part 10
    Mga Hebreo 5:11-6:3 • 8AM • Ariel Brazal | Naipaliwanag ng may-akda ng Hebreo ang kahigitan ni Cristo laban sa Judaismo; Siya ay mas higit na mabuti sa mga propeta, sa mga anghel, kay Moises, Josue, at maging kay Aaron. Kaya’t ang may-akda ay nagwika ng mga babala sa mga sinulatan. Kanyang sinabi na marami pa sana siyang mahalagang ituturo sa kanyang sulat ngunit ang mga sinulatan ay mabagal umunawa. Dapat sana ay marami na sa kanila ang mga tagapagturo tungkol kay Cristo, ngunit sila’y lumilitaw na mga mahihina pa rin. Hindi makapagpaliwanag ng mas mahahalagang paksa ang may-akda dahil hindi pa kayang unawain ng mga sinulatan. Para silang mga sanggol sa kalagayang gatas pa ang kinakain sa halip ay matigas na pagkain.

    Wisdom & Prayer - James 1:1-8

    Wisdom & Prayer - James 1:1-8
    [Taglish] We continue our series break from the Epistle to the Hebrews as we persevere through the typhoon season. Our message this week focuses on wisdom and prayer, that we would keep in steadfast faith no matter the circumstance, and that we would tune our hearts in prayer, seeking God for wisdom on how to navigate through the situation and move forward. Based on James 1:1-8. Message pre-recorded from September 23, 2020.

    Trono ng Mahabaging Diyos - Sulat sa Mga Hebreo Part 8

    Trono ng Mahabaging Diyos - Sulat sa Mga Hebreo Part 8
    Ang may akda ng Hebreo ay nagbigay babala sa kanyang sulat na pumasok tayo sa Kapahingahan ng Diyos, at sa ganoong kalagayan ay huwag sumunod sa halimbawa ng mga pagsuway, na ito ay kawalang pananalig. Ang lahing gumalit sa Diyos sa pamamagitan ng hindi pagsampalataya. Ang dulot nito sa kanila ay ang pagsumpa ng Diyos na sila’y hindi makapapasok sa Kanyang kapahingahan. Ang may akda ay nagpa-alaala sa mga Cristianong Judio na pumasok sila sa Kapahingahan ng Diyos sa pamamagitan ng masigasig na pananalig. Kung hindi, ang salita ng Diyos ay tulad ng tabak na magkabila’y talas na tumatagos sa kanyang paghatol, at walang lugar na sila’y makapagtatago sa Kanya. Sa isang panig ay naroroon ang kapahingahan sa pamamagitan ng pananalig kay Cristo; at sa kabilang panig ay mararanasan ang walang kapahingahan ng kanilang kaluluwa. Kaya nga, NGAYON, kapag narinig natin ang Kanyang tinig, huwag nating patigasin ang ating puso. Tayo’y manalig habang ang panahon ay NGAYON dahil bukas ay maaaring huli na.

    Pumasok sa Kapahingahan ng Diyos - Sulat sa Mga Hebreo Part 7

    Pumasok sa Kapahingahan ng Diyos - Sulat sa Mga Hebreo Part 7
    Ang sumulat ng Hebreo ay nagbigay babala sa sinumang mabigo na hindi makapasok sa kapahingahan ng Diyos dahil sa hindi pananalig. Sila ang lahi na nagdusa dahil sa hustisya ng Diyos. Sa Kanyang poot, sila’y hindi nakapasok sa Kanyang kapahingahan. Sa mata ng Diyos ang kawalang pananalig ay kahinaan. Ito’y kasamaan na kinapopootan ng Diyos. kaya’t ang hustisya ng Diyos ay ibinagsak sa kanila. Kaya nga ang may-akda ng Hebreo ay nagpaala-ala sa kanila na matakot habang may panahon pa. Karamihan sa kanila ay hindi tinanggap ang pangakong kapahingahan (tal.1). At ang pangakong kapahingahan ay matatagpuan sa Panginoong Jesu Cristo lamang, ang Anak ng Diyos, na tinawag ng Diyos, na Diyos.

    Do Not Harden Your Heart - Epistle to the Hebrews Part 6

    Do Not Harden Your Heart - Epistle to the Hebrews Part 6
    [6PM - Doy Sto. Domingo] The message of the writer of Hebrews is clear. Christ is better than Judaism. He is better than the prophets and the angels, and Christ is more excellent than Moses. Although the author stated that Christ is better several times, he shifts to a position that there is no comparison. The author undoubtedly stated that Christ is God. How can anyone compare? God, the Father, called His Son, God. The recipients of the letter received a warning about neglecting so great a salvation. The author explained the more severe punishment of those who neglect God’s salvation. Furthermore, the writer declared that Christ is both the Apostle and High Priest of our confession. He represents heaven to us, and He represents us to God through intercession. And through Christ, many would become part of God’s family.

    Huwag Pagmatigasin ang Ating Puso - Sulat sa Mga Hebreo Part 6

    Huwag Pagmatigasin ang Ating Puso - Sulat sa Mga Hebreo Part 6
    Malinaw ang mensahe ng sumulat ng Hebreo. Si Cristo ay higit na mabuti kaysa Judaismo. Siya ay nakahihigit sa mga propeta at mga anghel, ganoon din ay mas higit kay Moises. Kahit maraming pagkakataon na sinabi ng may akda na si Cristo ay nakahihigit, makikita pa rin sa kanyang pahayag na si Cristo ay walang katulad. Kaya’t walang duda sa kanyang pahayag na si Cristo ay Diyos. Saan at paano nga ba siya maihahalintulad? Ang Diyos AMA ay tinawag siyang ANAK, ang Diyos. [*Note: Power interruption at the end of the audio.]

    Christ Greater than Moses - Epistle to the Hebrews Part 5

    Christ Greater than Moses - Epistle to the Hebrews Part 5
    [6PM - Eddie Labios Jr.] In the earlier part of the letter, the writer explained that Christ is greater than the prophets and the angels. The author further exposited that Christ is more excellent than Moses. Now, Moses is the most respected figure in Jewish history. For the Jew, there is none like Moses. But for the disciples of Christ, there is none like Jesus.

    Kahigitan ni Cristo kay Moises - Sulat sa Mga Hebreo Part 5

    Kahigitan ni Cristo kay Moises - Sulat sa Mga Hebreo Part 5
    Sa unang bahagi ng sulat ay inihayag ng sumulat na si Cristo ay nakahihigit sa mga propeta at mga anghel. Inilantad din ng may akda na si Cristo ay mas higit na mabuti kesa kay Moises. Ngayon, si Moises ang pinaka respetadong imahe sa kasaysayan ng mga Judio. Para sa kanila, wala nang maihahalintulad kay Moises. Subalit sa mga desipulo ni Cristo, walang sinuman ang maipapantay kay Jesus.

    God's Plan for Man - Epistle to the Hebrews Part 4

    God's Plan for Man - Epistle to the Hebrews Part 4
    [6PM - Doy Sto. Domingo] The author of Hebrews emphasized that Christ is better than the prophets, and He is superior to angels. Furthermore, the author declared that the Son of God is also God, for God called His Son, God. Yet this God, for a season, made Himself lower than the angels through a human form. The Word of God became flesh and blood that He may suffer, die, and rise again. Thus, He brought many into glory, calling them His brothers and sisters. Previously, the writer of Hebrews warned against neglecting so great a salvation and the consequences that follow it. Thus, nobody should reject the gospel. The writer further expounded on God’s plan for all whom He sanctified in Christ.